sabrina manansala hanggang dito na lang muna şarkı sözleri
Kung nawawala ka man
O kung sang punto ka man ng buhay mo nakatayo
Sana'y piliin mo paring manatili
Nag-iisip kung saan ba pupunta
Ang mga paa mong dinala
Isang araw sa pintuan ng buhay ko
Hindi alam na ika'y kakatok
Pero ngayon wala ka na
Sa harap ko san ka pumunta
Pwede ba natin itigil ang mundo
Kahit isang saglit o segundo
San ba pwedeng magtagpo
Dito na lang muna
Hanggang dito na lang muna
Hanggang dito na lang
Kung gaano kabilis ang panahon
Dumating ka papunta't paroon
Nagbabakasakaling may pagkakataon
Pero ngayon wala ka na
Sa harap ko san ka pumunta
Pwede ba natin itigil ang mundo
Kahit isang saglit o segundo
San ba pwedeng magtagpo
Dito na lang muna
Hanggang dito na lang muna
Hanggang dito na lang
Magkasabay na naglalakad
Sa ating kwentong hindi na umuusad
Pero heto ako ngayon
Papalayain ka
Araw araw akong nagdadasal na sana hindi ko na maramdaman
Ang lahat ng sakit ang bawat alalala ng nakaraan
Na pilit kong tinatakbuhan
Dahil mas madaling tumakas kesa pabayaan
Ang sariling manatili kung saan nasaktan
Dahil paulit ulit ka lang nito hihilahin pababa
Hanggang sa hindi ka na makahinga
Hanggang sa mapuno ang utak mo ng mga bakit paano ano saan
Mga salitang hindi mo mabitawan
Dahil pag naalaala mo siya
Ay tila'y binabalik ka sa karagatan
At lulunurin ka ng pagdududa
Kung tama ba ang lahat ng nangyari
Pero bakit ka nagsisisi sa mga bagay na hindi mo nasabi
Sa mga pagkakataong akala mo mababalik mo ang dati
Kung ang pangakong inasahan mong tutuparin niya
Pero wala
Lahat ito naglaho at kiaw na lang ang natira
Hindi mo alam kung saan ka papunta
Pero kailangan mo maniwala
Kailangan magpabubaya sa ihip ng hangin
Kailangan mo lang magpadala
At hayaan mong maramdaman ang lahat
Dahil sa pagtanggap ay doon mo makukuha ang paglaya
At sa paglaya ay doon mo mahahanap muli ang sarili mo
Balikan mo ang sarili mong mga bakit
Ano paano ng mahanap mo ang saan
Mawala sa sariling pagkakakilanlan hayaan ang sarili umiyak muli
Tumigil kahit saglit
Kahit ikaw na lang ang natira
Paunahin mo siya
Pwede ba natin itigil ang mundo
Kahit isang saglit o segundo
San ba pwedeng magtagpo
Dito na lang muna
Hanggang dito na lang muna
Hanggang dito na lang
Hanggang dito na lang muna
Hanggang dito na lang muna
Hanggang dito na lang
Hanggang dito na lang muna
Hanggang dito na lang muna
Hanggang dito na lang
Dito na lang muna
Dito na lang muna
Dito na lang
Dito na lang muna (hindi mo kailangan magmadali)
Dito na lang (hindi mo kailangan pilitin maghilom)
Dito na lang (pabayaan na tanggalin ng panahon ang lahat ng sakit)
Tayo

