saint morpheus sadyang ganyan şarkı sözleri
Dama na ba ang pagod at hirap sa paghakbang?
Laging asa sa bahala, puro Batman na lang?
Kung pwede lang sana, kalimutan na ang problema
Lahat tungkol sa pera, trabaho, pati pamilya
Pati sa mga tropa, mga nasa social media
Diskarte para kumita, parang di mo na makita
Pero okay lang lahat, sapak pag ikaw ay sinipa
Tandaang mga bida'y laging gulpi sa simula
Dadating ang panahon na tatawanan mo na yan
Lilingon sa nagdaan, sa inakyat mong hagdan
Nandoon bawat yapak lahat kinayang banggain
At pagtapos umiyak, lilinaw na ang pagtingin
Kaya tantsahin mo lang lalo't malalim ang bangin
Kahit hangin matangay, lahat kaya mong harapin
Tibayan puso at isip, parang bato na rin
Hanggang wala ng bala na hindi mo kayang tanggapin
Buhay ay sadyang ganyan, di laging pagbibigyan
Lahat paghihirapan mo, ganyan talaga dito sa ating mundo
Dahil buhay ay sadyang ganyan, uy pare easyhan lang!
Kahit gaano kapait, kahit anong sakit, ang pangarap mo'y makakamit
Tandaan mo na kahit pa masama at malala binabato sayong pagsubok
Tumuloy sa pagbulusok at pilitin na mahubog
Tulungan ang sarili paakyat, nang hindi ka nahuhulog
Nangyari din sakin yan lahat. Pakiramdam kontra ang lahat sa hangad na pag-angat
Pero di ako tumigil bagkus lalo lang nanggigil
Patunay na sa pangarap ay walang makakapigil
Basta laging tandaan puno man ng galak
Sa iyong tinatahak, basta di nakakatapak
Ng tao, wag mong isarado, ang iyong utak, maging sensitibo
Sa nararamdaman ng iba, dahil di ka mag-isa
At marami pa sila, na tahimik dumigma
Lampasan ang unos sa pakikipagtuos
Magpakumbaba at ika'y iaangat ng Diyos
Buhay ay sadyang ganyan, pero pag pinagbigyan
Ramdam mo na ang saya, sa mga bagay nakamit mong mag-isa
Dahil ang buhay ay sadyang ganyan, wag kang panghinaan
Ng loob, di ka kayang ilubog
Sikap lang, di ka mapapataob
Buhay ay sadyang ganyan, di laging pagbibigyan
Lahat paghihirapan mo, ganyan talaga dito sa ating mundo
Dahil buhay ay sadyang ganyan, uy pare easyhan lang!
Kahit gaano kapait, kahit anong sakit, ang pangarap mo'y makakamit.

