saint morpheus salamat pa rin (remastered) şarkı sözleri
'Di man makamit ang gusto
Salungat man takbo ng mundo
Sa bawat araw gumigising, may halong pagiisip
Kung sa muling pagbangon ba'y may hirap na kalakip
At sa saglit na pagpikit, managinip sana ulit
Mundo ko man ay sumikip, ako'y laging masasagip
Ng lakas ng loob, at kapit sa pagdarasal
Mabagal man ang pag-usad, marami ang nagmamahal
Mga takot ko'y unti unti na ring matatanggal
Dinaraanan na pagsubok ay hindi magtatagal
At sa pagbangon, mayroon akong napagtanto
Na hindi habambuhay ay iikot sa ganito
Kung sa paglaban araw-araw ay manakit ang buto
Hindi malilimutan ang magpasalamat ng buo
Na naidilat ang mata, nasilayan ang umaga
Di hirap sa paghinga, nakasuporta na pamilya
Tatlong beses kumakain, may damit na gagamitin
Di man niya sabihin, ako'y patuloy pagpapalain. dahil
'Di man makamit ang gusto (darating ang araw na ibibigay)
Salungat man takbo ng mundo (sasabayan kahit gumapang pa)
Di laging matatalo, kaya kong abutin
Kahit anong ibigay salamat pa rin. (Salamat, salamat)
Kasi sabi nga nila, 'di magagawang malaman
Kung ano ang parating, ano ang panghahawakan?
Pero ang sagot sa napakaraming katanungan
Malalaman pag lumaban na sa pinagdadaanan
Makikita mo sa byahe ay 'di ka nagiisa
La man pera, gasolina'y pagaambagan nila
Sa harap ay hinahanap mo pa rin ang pahinga
Kailangan na sandalan ay nasa likod mo lang pala
Tumingin sa kaliwa, ay may tropang nakaakbay
Sa kanan mo ang nanay mong nakahawak sayong kamay
Pagyuko sa ibaba, paang pilit lumalakbay
Pagtingala, nakangiti sayo ang tunay na gabay
Kaya sa buhay kung nauubos na ang inspirasyon
Tandaan na may nagmamahal saan mang direksyon
Dahan dahan lang pagtahak, wag na wag magmadali
Pag nagwagi, yan ang ngiti, na hindi nabibili. Kase
'Di man makamit ang gusto (darating ang araw na ibibigay)
Salungat man takbo ng mundo (sasabayan kahit gumapang pa)
Di laging matatalo, kaya kong abutin
Kahit anong ibigay salamat pa rin. (Salamat, salamat)
Bawat aspeto ng buhay may dapat ipagpasalamat
Magugulat paangat lang ang lapat ng bawat yapak
Bawat lundag, bawat tapak, mayroong papalakpak
Sa dilim man malubak, ang liwanag din ay lalawak
Pagtanaw sa likuran, makikita ang dinaanan
Di biro pero magagawa mo tong matawanan
Niyakap ang suporta, nang walang pagalinlangan
Pasasalamat sanay wag na wag nating makalimutan dahil
'Di man makamit ang gusto (darating ang araw na ibibigay)
Salungat man takbo ng mundo (sasabayan kahit gumapang pa)
Di laging matatalo, kaya kong abutin
Kahit anong ibigay salamat pa rin. (Salamat, salamat)

