t-ben #realtalk şarkı sözleri

Yeah, alright! Yeah, alright! A.B.S.B. Marami akong gustong sabihin kaso hindi ko lang masabi Kaya sinusulat ko lahat mula sa'king kukote Hindi lahat ng rapper ay kailangang maging 'gangster' Wala sa porma ang hinihiling mo sa 'kin, brother Ang dami mong chains May grills at mga rings Akala mo pag meron ka nyan kasama ka na sa Kings Magdamit na sobrang luwag, Naka shades na pambulag Sumali sa gang para sabihin na s'ya ay thug, "It's thug life baby!", ang laging sinisigaw (yeah) Sino ba'ng pumili nang ganyang buhay diba ikaw? Hindi kumakain para sa mga ka-brad (Wow thug life!) Inaabot ng umaga sa lansangan (Wow thug life!) Huwag ka mag-angas meron akong ka-tropa (Wow thug life!) Iiwanan ang anak pati pamilya (Wow thug life!) Tapos sasabihin ninyo iyan tunay na hip-hop? Maging isang rapper lang naman mula sa FlipTop Sumikat lang kasi maraming nanood ng video nyo Ang galing mag freestyle at magpatawa ng mga tao Ganyan ba yung mga rapper na iniidolo ninyo? Kahit nasasaktan ang kapwa para sa ikasisikat mo Alam ko namang parte lahat ng kompetisyon Kasama ang personal at pati mga organisasyon Nakakaawa dahil nakakasira ng edukasyon Kaya pag sinabing, 'hip-hop', karugtong ay jejemon Tama na'ng dahilan Tama na ang daldalan Heto na ulit kami muli kaming lalaban Pasensya na kung masyado akong mapusok Merong sasabihin para sa'yo 'to, RealTalk! Tama na'ng dahilan Tama na ang daldalan Heto na ulit kami muli kaming lalaban Pasensya na kung masyado akong mapusok Merong sasabihin para sa'yo 'to, RealTalk! (Uh) Nililinaw ko lang, kami ay nasa Real Talk Para sa mga nagsabi nyan, pakipasok Ang jejemon ay hindi sumisimbolo sa hip-hop Kundi sila ang imbornal na kailangan ng i-rip rap Sinasabi ko lang alisin ang kalokohan Nakilala tayo dahil dyan sa katarantaduhan Freedom of Expression, F*ck, Freedom of Expression Nang dahil dyan sa mga taong nabubuhay lang sa ilusyon Kaya lahat ng tao ngayon ay naglalantaran Naghahanap ng pirate brief doon sa may Baclaran Kung dati okay lang tibo ngayon uso na baklaan Nakakasira ng pangalan para sa 'ting lipunan Itong kantang 'to ay para sa mga rapper Na sang-ayon sa amin, pahiram naman ng Hummer Ang rap ang universal language Kaya balang araw makikita nyo kami sa stage Kahit hindi pa kami sikat sinasabi ko sa inyo Hindi magtatagal kami ay titingalain ninyo Makikilala ulit ang rap dahil sa amin Kami ang magpapasikat ng grupo na, T.B.N Sa ngayon ginagawa lang namin ang aming gusto Sabihin lahat ng mga gusto naming sabihin Kung merong natatamaan at nagagalit sa inyo Wala akong paki sige kami inyong sisihin Tama na'ng dahilan Tama na ang daldalan Heto na ulit kami muli kaming lalaban, Pasensya na kung masyado akong mapusok Merong sasabihin para sa'yo 'to, RealTalk! Tama na'ng dahilan, Tama na ang daldalan Heto na ulit kami muli kaming lalaban Pasensya na kung masyado akong mapusok Merong sasabihin para sa'yo 'to, RealTalk! (Uh) Yeah Uh Uh Yeah A.B.S.B. Feel it
Sanatçı: T-Ben
Türü: Belirtilmemiş
Ajans/Yapımcı: Belirtilmemiş
Şarkı Süresi: 3:18
Toplam: kayıtlı şarkı sözü
T-Ben hakkında bilgi girilmemiş.

Fotoğrafı