t.e.m.a nang sumuko şarkı sözleri
Kung maibabalik ko lang ang orasan
Mananatili na lang sa nakaraan
Noon pang may natitirang puwang
Para sakin diyan
Sa puso mo
Hanggang ngayon
Kumakapit sa'yo
Patuloy paring hinihiling
Na panaginip lang ang pagbitaw mo
Asan na ba ang mga pangakong
Na tayong dal'wa hanggang sa dulo
Hindi pala ako ang iyong tadhana
Kung sana lang alam ko ako'y naging handa
At sinulit ang mga gabing kayakap ka
At mga halik mong di na maibabalik
Mga gabing lalo pang lumalamig
Nang sumuko ka
Saan ba tutungo
Hahabol pa ba o lalayo
Wala na bang dahilan
Upang ako'y balikan
Sayang talaga mga pangakong
Na tayong dal'wa hanggang sa dulo
Hindi pala ako ang iyong tadhana
Kung sana lang alam ko ako'y naging handa
At sinulit ang mga gabing kayakap ka
At mga halik mong di na maibabalik
Mga gabing lalo pang lumalamig
Nang Sumuko ka
Pinapatawad na kita
Ngunit kailangan ko lamang palayain
Ang pusong mag-isang
Umaasang may pag-asa
Pa tayong dalawa
Hindi pala ako ang iyong tadhana
Kung sana lang alam ko ako'y naging handa't
Sinulit ang mga gabing kayakap ka
At mga halik mong di na maibabalik
At mga gabing lalo pang lumalamig
Mga salitang hinding-hindi ko na maririnig
Pagkat sumuko ka