baby jane pintasan şarkı sözleri

Ang sarap ng ulam natin ay balewala Pagkat ang sinaing mo'y pagkalata-lata Sa tuwing susubo ako nakasusuya Kung ganyan lang ay nilugaw na ang ibig ko Kaysa parang pandikit na nakikita mo Kung lagi nang kay lambot ng kanin mo Ay umasa kang maglalambot na rin ako Kung maligat ang parati mong hinihintay Magbukod na tayo sa tig-isang saingan Nang hindi laging kita ay nag-aaway Di mo nga maaasahang maibigan ko Ang sinaing na kasingtigas ng ulo mo Sa ligat ng kanin daw ng lolo ko Nahirinan nang mabiyuda na ang lola ko Ang lungkot naman nitong sabaw ng sinigang Kulang sa sampalok at pagkatabang-tabang Bakit ba tayo ganyan sa araw-araw Pintasero ka naman at nakakainis Kung mamintas ka ay lubhang kaysakit-sakit Upang hindi na tayo magkagalit Te'na sa pansiteria't kumain ng pansit
Sanatçı: Baby Jane
Türü: Belirtilmemiş
Ajans/Yapımcı: Belirtilmemiş
Şarkı Süresi: 2:50
Toplam: kayıtlı şarkı sözü
Baby Jane hakkında bilgi girilmemiş.

Fotoğrafı

Albüm Kapağı